4 Na Pulis, Patay Sa Ambush Ng Hinihinalang NPA Sa Davao Del Sur


Nakaligtas naman pero nasugatan si PO3 Allen Amado.
Ayon sa militar, reresponde sana ang mga pulis sa isang insidente ng pamamaril nang mangyari ang pananambang.
Sa hiwalay na panayam sa GMA News TV's QRT nitong Miyerkules, sinabi ni P/CSupt. Manuel Garlan, PRO-XI Regional Director, na magpupunta sana ang mga pulis para mag-imbestiga sa isang insidente ng pamamaril nang mangyari ang pananambang ng mga rebelde na tinawag niyang mga bandido.

"Itong ating mga pulis ay mag-iimbestiga lamang kasama ang ating mga crime laboratory technician dahil sa isang murder na nangyari po dyan na itinawag po ating kapitan," anang opisyal.
Dagdag pa niya, hindi maituturing combatant kung tutuusin ang mga napaslang na pulis dahil dalawang long firearm at dalawang maigsing baril lang ang dala nila.
Patuloy umano ang pangangalap nila ng impormasyon para matukoy kung saan tumakbo ang mga rebelde para kanilang pagtugis.
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoyarticles.com This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.


No comments:

Powered by Blogger.