WATCH: Bato, Hinarap Ang Pulis Na Sangkot Sa Iligal Na Droga; Nanipa Pa Sa Harap Niya!



Hinarap mismo ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang nagsisiga-sigaan na pulis na sangkot at sabog sa ilegal na droga.

Sabog pa at nasa alapaap pa si Police Supt. Lito Cabamongan nang datnan nang General sa kulungan nito sa Las Pinas City.

Naaresto at naaktuhan pa si Cabamongan na gumagamit nang ilegal na gamot kasama ang hindi pa nakikilalang babae sa isang bahay kaninang madaling araw.

Nang maipasok ito sa selda, tila mainit ang ulo nang pulis at naaktuhan pa ito nang cameraman na nag siga at na nanipa pa nang kapwa nito mga preso.

Nag-init naman bigla ang dugo ni General Bato kay Cabamongan matapos nitong magsiga at akto pang nag-sipa sa harapan nang heneral.

Bukod sa kasong kriminal, nahaharap ngayon ang pulis sa kasong administratibo at kaso sa iligal na droga.



Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of pinoyarticles.com This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.


No comments:

Powered by Blogger.