PRRD hinamon ang mga biased media na kalkalin ang issue ng DAP ni Abad, Trillanes at Noynoy



Hinamon ni President Rodrigo Duterte ang Inquirer at ABS CBN na kalkalin din ang issue nang DAP nila Abad, Senator Antonio Trillanes at Dating pangulo Noynoy Aquino sa kanyang pagbisita sa Camp Evangelista Station Hospital in Cagayan de Oro .

Pinatamaan nang pangulo si former President Benigno Aquino III at ex-Budget Secretary Florencio "Butch" Abad dahil sa pagpasa nang mga ito sa P72-billion program (DAP).

"Bakit 'di n'yo kalkalin si Abad? Anong nagawa ni Abad? Si PNoy! Despite a constitutional ruling na bawal 'yang DAP, they continued to do it as if it was nobody's business," sabi ni Duterte. 
"Ngayon, gusto ko nang ilabas 'yan lahat. Lahat 'yan," dagdag pa nang pangulo.
Hindi din nakalusot si Senator Trillanes na kilalang kritiko nang pangulo at nangunguna upang patalsikin si Duterte bilang pangulo nang bansa.

"Pati si Trillanes, 'yung DAP niya ilabas ko. Ilan ang natanggap nila, paano nila nagastos,"  sabi nang pangulo. 
Muli din sinabi nang pangulo na baba sya sa pwesto kapag mapatunayan nang mga oposisyon na meron syang tagong yaman o kung may ma-involve sa mga anak nya sa corruption.

PANOORIN ANG VIDEO: 



No comments:

Powered by Blogger.