WATCH: 15-Anyos Na Suspek Sa Nakawan, Patay Matapos Manlaban Sa Pulis



Patay ang 15-anyos na lalaki na nasangkot sa pagnanakaw sa Quezon City. Ayon sa mga pulis, nanlaban ang menor de edad kaya napilitan silang dumipensa.

Ayon sa guard nang isang construction site, sinalisihan sya nang menor de edad at dalawang lalaki nang mag punta sya sa banyo.

Kinuha din daw nang mga suspek ang kanyang shotgun at cellphone na sandali nyang iniwan para mag banyo.

Agad naman syang nakatawag nang saklolo sa mga nagpapatrolyang pulis para tugisin ang mga suspek.

Nagawa nilang kornerin ang isa sa mga suspek, pero bumunot ito nang baril at doon na silang napilitang magpaputok nang baril.

"May dala dala syang baril na shotgun. Dala dala nya yan. Eh, no choice yung pulis kundi ang lumaban kaya nagkaroon nang putukan." sabi ni P/Sr. Insp. Elmer Monsalve.

"Syempre kailangan din natin nang proteksyon sa buhay natin. Lahat naman ay iisan lang ang buhay. " Dagdag pa ni Monsalve.

Nangyari ang insidente, kasunod nang pahayag ni Pangulong Duterte na dumarami ang krimen dahil hindi napapanagot sa batas ang mga nagkakasala na edad 15-anyos pababa.




No comments:

Powered by Blogger.