WATCH: Lalaking Nagpakilalang Pulis, Huli Sa Aktong Pangmamanyak Sa Babae


Isang lalaking nagpakilalang pulis ang huling huli sa aktong pang mamanyak nito sa isang babae na pauwi sakay ang isang bus byaheng NAIC TANZA.

Hindi agad nagising ang di nagpakilalang babae dahil pagod at tulog siya sa byahe. Napansin ito nang isang pasahero na nasa likod nang inuupuan nila nang lalake at sya din ang gumising sa babae.

Nang maalimpungatan, doon na nga nakita nang babae ang ginagawang pangmamanyak sa kanya nang lalake at agad nya itong sinampal at pilit pinapaalis nang bus.

FB Post nang biktimang babae:

Kung sino man po yung nakakakilala sa lalaking ito pakipaalam na lang po sa amin. Sa mga kababaihan diyan na nagaaral, nagoojt or sa mga nag ttrabaho na umaga na yung uwi. Kung matutulog kayo sa byahe wag lang gamit ang ingatan pati mga katawan!!! INGAT po sa lalaking ito. Manyak po talaga as in di lang po sagi o dampi ang ginawa sakin kundi talagang para bang nag semi-nilamas na siya dun sa left breast ko. Huling huli ko pa talaga yung kamay niya na gumagalaw sa suso ko. nakasabay ko siya sa bus na byaheng pa NAIC TANZA mag ingat na lang po tayo. Napansin kong may gumaganon na sakin nung parang ginigising nako ng nasa likod ko kasi pinupukpok niya na yung chair so nung nakita ko ngang ganon ay agad ko na siyang sinampal at pinapaalis ng bus kasi bago yang video na yan ay ayaw niya pang umalis sa tabi ko at nakangiti pa siya sakin. 
Btw guys nagpapakilala siyang PULIS pero naconfirm na namin sa TANZA at Gentri na wala naman daw na gantong PULIS at iba yung badge niya sa damit and yung uniform. 
Wala na pala talaga palang pinipili na mamanyakin yung mga ganyang tao. Baka akalain niyong kabastos bastos suot ko naka scrubs po ako doble pa po ang tshirt balot na balot pa po. Doble ingat na lang tayo ngayon po





No comments:

Powered by Blogger.