WATCH: Mareng Winnie Monsod Supalpal Kay Atty. Bruce Rivera Sa Sarili Nitong TV Program



Nasupalpal si Winnie Monsod sa TV program nito sa GMA 7 na "Bawal ang Pasaway" ni Attorney Bruce Rivera patungkol sa issue nang impeachment case na inihahain para kay Leni Robredo.

Sa naging interview ni Winnie na kilalang yellow supporter at isa mga kritiko ni pangulong Duterte, tinanong nito kung ano ang grounds nang isinasampang impeachment case nila Atty. Rivera, Mocha Uson at iba pa kay Leni Robredo.

Tinanggihan itong sagutin ni Atty. Rivera dahil ayon dito inihahain pa nila ang lahat nang mga ebidensya na magdidiin sa bise.

Pero pagpupumilit ni Monsod, dapat merong basehan ang mga inoorganisang "Palit Bise" nila Rivera at Uson at dagdag pa nito, bakit sila gagawa nang malawakang rally na layunin na pababain o tanggalin si Leni Robredo sa kanyang posisyon.

Sagot naman ni Rivera, "Number 1 ma'am, it's the PEOPLE who ask us to make a rally."

"They want her to be impeached." dagdag pa ni Rivera.

"But there are specific grounds?" tanong ni Monsod.

"Yes, of course. Betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, bribery, treason, and other high crimes." sagot naman ni Atty. Rivera.

Dagdag pa ni Rivera, magsasampa din sila nang Graft and Corruption kay Leni pero hindi pa nila pwedeng iditalye dahil inihahanda pa nila ang mga ebidensya.

Samantala, tinanong naman ni Monsod si Mocha kung ang 14 million ba na bumoto kay Leni ay disappointed sa mga ginagawa at performance nang bise.

Pinabulaanan agad ni Mocha ang 14 milyon na sinabi ni Monsod na bumoto di umano kay Leni dahil sa electoral process na nakahain ngayon. Sinabi din ni MTRCB board member na marami siyang kakilala na talagang bumoto kay Leni pero disappointed dahil sa mga paninirang ginagawa nito sa kasalukuyang administrasyon.




No comments:

Powered by Blogger.