WATCH: Regional Trial Court Binasura si De Lima



Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court branch 204 ang kahilingan ng state prosecutors na pagsamahin nalamang ang tatlong drug cases ni Sen. Leila De Lima.

Ikinatwiran ni Judge Juanita Guerrero, presiding judge ng branch 204 na wala siyang nakitang merito para pagbigyan ang kahilingan ng Dept.of Justice.

Credits to rmn.ph


Sa court resolution, sinabi ni Guerrero na wala syang nakitang merito para i-consolidate ang tatlong kaso dahil magkakaibang insidente ang mga ito.

Dagdag pa ni Guerrero, lalo pang mapapatagal ang paglilitis kung ico-consolidate ang mga kaso.

Matatandaang naghain ng tatlong magkakahiwalay na kaso ang Department of Justice (DOJ) laban kay De Lima dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.




No comments:

Powered by Blogger.