WATCH: Dating Senador Juan Ponce Enrile Pinalayas si UN Rapporteur Agnes Callamard Sa Pilipinas: 'Tama na, sobra na, LAYAS NA!'


Pinapalayas ni dating senador Juan Ponce Enrile si UN rapporteur Agnes Callamard sa Pilipinas dahil sa umano'y plano nitong destabilization plot sa Duterte administration sa kanyang naging interview sa TV Program na "Dito sa Bayan Ni Juan".




Sinabi nang dating senador na nalulungkot sya sa mga nangyayari sa bayan ngayon dahil sa pangengealam nang ibang bansa sa pamamalakad nang kasalukuyang gobyerno. Isa sa pinupunto ni Enrile ay si Callamard na pabiro nyang pinangalalan na "Calamares".


"May isang Calamares[Agnes Callamard] na nakikialam. Para bang isang espiya na pumasok sa bayan ni Juan. At pagkatapos ay pinagsasabihan ang sambayanang Pilipino na dapat daw ganoon, dapat ganyan ang pamamalakad nang ating pamahalaan." sabi ni Enrile.


Dagdag pa nang dating senador, dinidiktahan daw ni Callamard ang mga pilipino kung anong dapat gawin sa sarili nating pamahalaan.


"Jusko po ano bang nangyayari sa bayan ni Juan, Inaapi. Pati ang samahan nang mga bansa sa ating planeta ay sinasamahan ang umaapi sa ating lipunan. Kaya ang sigaw ko po, TAMA NA! SOBRA NA! Kayo ALIS NA!" galit na sigaw nang dating senador.





No comments:

Powered by Blogger.