WATCH: Motorsiklo, nagliyab matapos sumalpok sa truck



Kuha sa CCTV ang pagsalpok nang isang motorsiklo sa isang truck sa Nanchang, China.

Makikita sa video ang isang truck na tumatawid sa kahabaan nang isang highway nang biglang lumitaw ang isang motorsiklo at bumangga sa gilid nang truck bago sumiklab ang malaking apoy.

Kumapit din ang apoy sa Driver, pero sa tulong nang ibang mga nakikita sa insidente, nailigtas at nailayo nang mga ito ang driver nang motorsiklo sa panganib.

Sa kinalabasan nang imbestigasyon, mabilis daw ang patakbo nang motorsiklo na naging sanhi nang pagsalpok. Pero wala pang malinaw na rason kung bakit ganoon nalang lumiyab ang motor pagkatapos nitong sumalpok sa Truck.




No comments:

Powered by Blogger.